Thursday, August 28, 2014

Ang Mga Impluwensiya Ng Mga Media Sa Mga Kabataan

          Tunay ngang napakalaking impluwensiya ng ating kasalukuyang pamumuhay ngayon sa mga kabataan. Makikita mo na bata pa lamang ay mayroon ng cellphones o iPad. Ating alamin kung ano ang impluwensiya ng media sa ating mga kabataan. Alamin natin kung paano ito gamitin at kung paano ito makakasama sa atin.
          Malaki ang impluwensiya ng media sa mga kabataan lalo na sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at pag-iisip. Kung iyong titignan, malaki ang diperensiya ng mga kabataan noon at ngayon. Katulad ng sinabi ko, ngayon, mga bata pa lamang ay mayroon o nakakahawak na ng mga cellphone o kahit anong elektroniko. Mayronn na rin silang iba't-ibang reaksiyon sa kanilang napapanuod sa telebisyon. Ang ating kabataan ngayon ay masyadong binibigyang atensiyon ang mga social media sites na Facebook, Twitter, Instagramo Google. Itong sites na ito ay hinahayaan ang ating mga kabataan na makita kung ano ang kanilang nais na makita. Isang click lang, ayan na at nasa harapan na nila ang gusto nilang hanapin sa media. Hinahayaan din ng social media sites ang mga kabataan n makipag-usap sa kanilang mga kaibigan at pamilya sa malalayong lugar. Ang media ay magagamit sa dalawang paraan. Masama at mabuting paraan. Magagamit ito ng ating mga kabataan sa mabuting paraan para sa pagpapalawak ng kanilang kaalaman sa nangyayari sa kanilang kapaligiran. Magagamit din ito sa paggawa ng kanilang assignments, homeworks at projects sa kaniya-kaniyang paaralan. Magagamit ito sa kasamaan para makapanglokong kapwa. Maraming naipapabalita sa telebisyon na nabibiktima ng panloloko gamit ang mga media.
          Dapat tayong maging maingat sa paggamit ng media.Sa ating mga magulang, gabayan ang inyong mga anak ng sa gayon ay hindi nila magamit sa kasamaan ang media. Ipaliwanag sa inyong mga ank ang mga tanong na nabubuo sa kanilang isipan patungkol sa mga nakikita, napapanuod o nababasa sa media. Alam na ninyo kung paano gamitin ang media sa kasamaan at kabutihan. Desisyon na ninyo kung anong paraan ninyo gustong gamitin ang media.

2 comments:

  1. Sino ang may akda nito? Kinopya niyo lang bato kaya di niyo nilagyan ng pangalan?

    ReplyDelete
  2. Casino - Dr.MD
    Find an amazing 포항 출장샵 experience with 성남 출장샵 our Slots 안양 출장안마 & Casino Games at 충청북도 출장마사지 Dr.MD! Take your pick of a variety of different casino games. Choose from 동해 출장샵 over 1600 titles including

    ReplyDelete